para sa mga taong hindi ko kilala
Sa isang kadete na hindi ko pa alam kung sino, salamat sa chocolates noong valentine’s day. :)
Kay ate sa AS, salamat sa libreng tickets para sa isang play ng DUP. :)
Kay kuyang kandidato para sa USC, salamat sa pakikipagusap at hindi pangangampanya habang mag-isa akong nakatunganga sa labas ng math building. Kahit alam mo na hindi kita maboboto dahil magkaiba tayo ng college, kinausap mo parin ako. ako na ang kinilig :)) :)
Sa mga taong hindi ko kakilala na nagpapangiti sa akin, salamat. Nakakahawa talaga mga ngiti ng mga taong nadadaanan mo. :)
-
snoopcatdoge liked this
-
blemblem posted this
